MAYROON nang persons of interest na hinahabol ngayon ang Philippine National Police (PNP) kasunod ng ambush sa mga tauhan ng PRO BAR na ikinamatay ng 2 at pagkasugat ng 3 iba pang kasamahan nito.
Ito ang kinumpirma ni PNP Public Information Chief PBGen. Redrico Maranan.
Sa panayam sa Kampo Krame araw ng Lunes Hunyo 19, 2023.
Ayon kay Maranan, agad na ipinag-utos ng PNP ang maigting na security measures sa probinsiya kasama na ang checkpoint, at chokepoint.
Ipaiiral din ang mas maigting na “Oplan Bakal at Oplan Sita” para agad na matunton ang mga sinasabing mga tao na nasa likod ng pananambang na nangyari sa Sharif Aguak Maguindanao del Sur.
Sa ngayon, bigo pang pangalanan ng PNP kung anong grupo ang kinabibilangan ng nasabing mga suspek.