PNP, may sinusundang lead sa pagkawala ng isang beauty queen sa Batangas

PNP, may sinusundang lead sa pagkawala ng isang beauty queen sa Batangas

MAYROONG sinusundang lead ang Philippine National Police (PNP) sa sinasabing pagkawala ng Miss Grand Philippines 2023 candidate na si Catherine Camilon.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information Office chief Police Colonel Jean Fajardo na nakausap na ng Batangas Police Provincial Office ang pamilya ng biktima.

Pinuntahan na rin ng mga pulis ang lugar kung saan sinasabing huling nakita si Camilon.

Nakikipag-ugnayan ang mga pulis sa management ng lugar upang makakalap ng karagdagang impormasyon.

Hindi pa makapagbigay ng iba pang detalye si Fajardo sa kaso ni Camilon dahil nakiusap ang pamilya na sila muna ang gagawa ng hakbang para sa nawawalang kaanak.

Follow SMNI NEWS on Twitter