PNP, muling binalaan ang publiko sa paglaganap ng pekeng pera ngayong Kapaskuhan

PNP, muling binalaan ang publiko sa paglaganap ng pekeng pera ngayong Kapaskuhan

MULING pinaalalahanan ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na mag-ingat sa pekeng pera ngayong holiday season.

Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, tumataas ang kaso ng pambibiktima ng pekeng pera lalo na sa mga pamilihan tuwing Christmas season.

Maliban dito, pinaalalahanan din ng PNP ang mga uuwi mula sa abroad na magpapalit ng kanilang pera sa mga awtorisadong money changer lamang upang maiwasan ang pamemeke.

Maliban sa laganap na kaso ng fake money, ang mga krimen tulad ng pagnanakaw, panloloob, pandaraya at panlilinlang ang ilan sa mga kaso na karaniwang tumataas sa panahon ng Kapaskuhan.

 

Follow SMNI News on Twitter