KUMILOS na ang Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) para imbestigahan ang naging banta ni Vice President Sara Duterte laban kina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr, First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Ito’y makaraang maalarma ang PNP sa ginawang pahayag ng Pangalawang Pangulo nitong weekend na kumontrata na siya ng isang assasin sa sandali umanong may mangyari sa kaniya.
Ayon kay CIDG Director, PBGen. Nicolas Torre III, natanggap na niya ang utos mula kay PNP Chief PGen. Rommel Fracisco Marbil na imbestigahan ang naging banta na ito ng Pangalawang Pangulo.
Sa katunayan, nakikipag-ugnayan na ang CIDG sa Presidential Security Command (PSC) bilang bahagi ng kanilang imbestigasyon na kanilang binibigyang prayoridad.