NAG-isyu na ng subpoena ang Philippine National Police (PNP) laban sa isang pinaniniwalaang suspek sa pagbebenta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines at vaccination slots.
Kaugnay nito inatasan ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ang Anti-Cybercrime Group na imbestigahan ang alegasyon ng pagbebenta ng bakuna at vaccination slots na naglipana sa social media.
Sinabi ni Gen. Eleazar na diretsahang nag-aalok ng vaccine slot ang suspek sa kanyang kaibigan sa high school sa pamamagitan ng social media messaging app.
Sa ilalim ng Republic Act 10973 tanging PNP Chief, Deputy Director for Administration at CIDG chief lamang ang otorisadong mag-isyu ng subpoena para sa gagawing imbestigasyon ng pulisya lalong lalo na sa mataas na krimen.
Samantala suportado naman ni Eleazar ang Malakanyang sa panawagan sa mga local government units (LGUs) na magpasa ng ordinansa na nagbabawal sa pagbebenta ng vaccination slots na nakalaan para sa kanilang nasasakupan.
(BASAHIN: Suspek sa ‘bakuna for sale’ scheme, sumuko sa Mandaluyong City)