PNP, nagbukas ng specialized courses para sa SAF

PNP, nagbukas ng specialized courses para sa SAF

NAGBUKAS ang Philippine National Police (PNP) ng limang specialized training courses para sa Special Action Force (SAF) upang mahasa ang kanilang tactical capability.

Kabilang dito ang Special Action Force Commando Course (SAFCC) Classes 120 at 121-2022, SAF Basic Airborne Course (SAFBAC) Class 55-2022, Basic Mechanized Operation Course (BMOC) Class 03-2022, SAF Sniper Course (SAFS) 14-2022, Intelligence Basic Course (IBC) Class 59-2022, at Parachute Packing Course (PPC) Class 01-2022.

Ang SAF training courses ay opisyal na binuksan ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. sa simpleng seremonya sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Binigyang-diin ni Azurin na patuloy na pahuhusayin ng PNP ang operational capability at efficiency ng SAF upang magampanan ang kanilang mandato.

Patuloy aniya nilang tutuparin ang kanilang paglilingkod sa ngalan ng Diyos, bansa at taumbayan sa pamamagitan ng kanilang SAF motto na “By skill and Virtue, We Triumph”.

Follow SMNI NEWS in Twitter