NAGHAHANDA na ang Philippine National Police (PNP) para sa gagampanan nitong papel sa pagpatutupad ng granular lockdown sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19.
Ayon kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, ipinag-utos niya sa mga police commander sa National Capital Region (NCR) na makipag tulungan para sa impelementasyon ng quarantine variant.
Sinabi rin ni Eleazar na ang mga kapulisan na ipadadala upang ipatupad ang lockdown ay maghihintay para sa resulta ng kanilang COVID-19 test.
Sa nagayon ay mayroong 2,238 na active COVID-19 cases sa PNP.
Samantala, Metro Manila, isasailalim sa GCQ mula Setyembre 8 hanggang 20
Isasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila simula sa Setyembre 8 hanggang 20 sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ito ang inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Ayon kay Roque, magkakaron ng pilot testing ng granular lockdown sa Metro Manila sa panahon ng GCQ bagaman wala pang guidelines dito.
Dagdag ni Roque, ilalabas sa Martes ang mga detalye ukol sa granular lockdowns.