PNP naghain ng reklamo sa mga e-sabong operators dahil sa obstruction of justice

PNP naghain ng reklamo sa mga e-sabong operators dahil sa obstruction of justice

KASALUKUYANG nasa 31 na mga indibidwal ang nawawala matapos pumunta sa iba’t ibang sabungan sa Metro Manila at mga probinsya.

Hanggang ngayon ay patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng Pilippine National Police (PNP) pero ang Senado sa pamamagitan ng Senate Committee on Public Order ay balak nang maglabas ng resolusyon para himukin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na suspendihin ang operasyon ng e-sabong.

Kahapon sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order, lumantad ang mga kamag-anak ng mga indibidwal na nawawala matapos pumunta o maglaro sa e-sabong.

Naging emosyunal ang mga ito dahil kung sino-sino na raw ang kanilang nilapitan para mahanap sila, pero hanggang ngayon ay wala raw makapagsabi kung nasaan ang mga ito.

Sa ngayon umakyat na sa 31 ang naireport na nawawala.

Ilan sa mga ito ay hindi naman sabungero dahil ang iba ay may sinamahan lang sa sabungan.

Kasunod naman ng pagtaas ng bilang ng mga nawawala dahil sa e-sabong ay napagdesisyunan ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na magpalabas ng resolusyon para masuspendi ang operasyon nito.

Ito ay kasunod na rin ng mungkahi nila Senate President Tito Sotto III at Sen. Ping Lacson

Covered ng naturang resolusyon ay ang Beldevere Vista Corporation, Lucky 8 Star Quest, Inc., Visayas Cockers Club, Inc., Jade Entertainment and Gaming Technologies, Inc., Newin Cockers Alliance Gaming Corporation, Philippine Cockfighting International, Inc., and Golden Buzzer, Inc.

Sa pagdinig ay hindi naman nagawang sumipot ng may-ari o management ng mga e-sabong.

Ayon kay Dela Rosa, hindi nakikipag operate ang mga ito sa PNP.

Magkakaroon pa ng pangalawang pagdinig dito ang Senate Panel kasunond ng kanilang non-attendance sa pagdinig.

Dagdag pa ni Dela Rosa na ilang kaso na ng obstruction to justice ang isinampa ng PNP.

At umaasa naman ang senador na sana hindi i-snub-in ang committee nila gaya ng ginawa nila sa PNP.

Samantala, binatikos ni Sen. Francis Tolentino ang PAGCOR dahil sa pagbibigay ng lisensya sa mga e-sabong operators.

Ayon kay Tolentino wala sa probisyon sa ilalim ng Republic Act No. 9847 o sa Revised PAGCOR Charter na may kapangyarihan itong magbigay ng prangkisa para sa operasyon ng e-sabong.

 

Follow SMNI News on Twitter