PNP, nagkaroon ng balasahan sa mga posisyon

PNP, nagkaroon ng balasahan sa mga posisyon

OPISYAL nang umupo bilang bagong pinuno ng Quezon City Police District (QCPD) si BGen. Remus Balingasa Medina kasabay nito ay nagkaroon din ng balasahan sa ibang posisyon sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Itinalaga ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos si Medina na dating hepe ng PNP-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) kapalit ni Brig. Gen Antonio Yarra.

Naitala naman si Yarra bilang bagong hepe ng Police Regional Office 4A (CALABARZON) kapalit ni Brig. Gen. Eliseo Cruz na ngayon ay deputy director ng Area Police Command (APC) sa Visayas.

Ayon naman kay Medina, sa kanyang mensahe, sinabi nito na ipagpapatuloy niya ang mga plano at programa ni Yarra.

Kabilang na dito ang nagpapatuloy na laban ng lungsod sa iligal na droga at kriminalidad kasabay ng istriktong implementasyon ng pagdisiplina sa mga tauhan nito.

“In like manner, along with our fight against illegal drugs and criminality, I will also continue to emphasize on reward and punishment system for our personnel and focus on imposing the kind of discipline that the public should want of their police by adopting internal and practical reforms for erring cops.” sinabi PBGen. Remus Medina, Director, QCPD

Bukod naman pagbabantay sa krimen at iligal na droga, isa rin sa tinututukan ang kasalukuyang hamon ng COVID-19 sa bansa.

Samantala, si PNP Training Service Director Brig, Gen. Bernard Banac naman ay mangunguna sa PRO 8 (Eastern Visayas) kapalit ni Brig. Gen. Rommel Cabagnot na ngayon ay nasa Office of the Chief PNP (OCPNP).

PBgen. Bernard Banac – PRO 8 Eastern Visayas

PBgen. Rommel Cabagnot: Office of the Chief PNP (OCPNP)

Maj. Gen. Herminio Tadeo, directorate for personnel and records management

Maj. Gen. Bartolome Bustamante, directorate for plans

Maj. Gen. Walter Castillejos, DPCR

Maj. Gen. Domingo Cabillan, OCPNP

Maj. Gen. Nickson Muksan, OCPNP

Brig. Gen. Arthur Cabalona, PRO Bangsamoro Autonomous Region (Bar)

Si Brig. Gen. Eden Ugale, Western Mindanao APC

Brig. Gen. Alessandro Abella, Northern Luzon APC

Brig. Gen. Ferdinand Sifuentes, OCPNP

Brig. Gen. Armando de Leon, PNP training service

Brig. Gen. Mafelino Bazar, DC

Sa iba pang balita, umakyat na sa mahigit 800 ang nahuling lumabag sa nagpapatuloy na election gun ban sa Pilipinas.

Batay sa datos ng PNP, umabot na sa 836 ang mga nahuling lumabag sa ipinatutupad na election gun ban sa bansa.

Sa nasabing bilang, 803 ang nahuling sibilyan, 11 ang sekyu, 9 ang pulis, 5 ang sundalo at iba pa.

Nanguna ang National Capital Region (NCR) sa may pinakamaraming nahuling lumabag sa gun ban na umabot sa 262.

Follow SMNI NEWS on Twitter