PNP, naglatag ng contingency plan sakaling magkagulo sa lockdown

TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na may nakalatag silang contingency plan sakaling magkaroon ng kaguluhan sa panahong umiiral ang enhanced community quarantine sa Luzon.

Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, pinalakas ng PNP ang kanilang police visibility sa mga lansangan para maiwasan ang posibilidad na may mga insidente ng krimen.

Sinabi ni Banac na simula nang ipatupad ang lockdown ay wala pa silang natatanggap na may mga kaso ng looting at panggugulo na naitala sa mga komunidad.

Aniya, payapa rin naman ang Luzon na apektado ng lockdown.

Pinabulaanan din ng pnp ang ulat sa social media na may mga kaguluhan na nangyari at ilang bahay ang ninakawan.

Patuloy naman ang pag-trace ng PNP Anti-Cybercrime Group laban sa mga naglalabas ng mga pekeng balita o impormasyon.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.