PNP, nagsagawa ng panibagong balasahan

PNP, nagsagawa ng panibagong balasahan

SUMAILALIM sa panibagong balasahan ang Philippine National Police (PNP) para sa ilang matataas na opisyal nito.

Itinalaga ni PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil si PBGen. Nicolas Torre III bilang bagong hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Batay sa nakasaad sa General Orders mula sa Office of the Chief PNP epektibo ang kautusan simula ngayong araw, Setyembre 25.

Papalitan ni Torre si PMGen. Leo Francisco na inilipat naman sa Personnel Holding and Accounting Unit (PHAU).

Kasunod niyan, itinalaga namang kapalit ni Torre si PBGen. Victor Rosete bilang Acting Director ng Police Regional Office 11 o Davao Regional PNP na binakante ni Torre.

Samantala, itinalaga rin ni Gen. Marbil si PBGen. Christopher Birung sa PNP Academy buhat sa Police Regional Office 2 o Cagayan Valley PNP epektibo kahapon, Setyembre 24.

Habang papalitan naman siya ni PBGen. Antonio Marallag Jr. na nagmula naman sa Headquarters Support Service (HSS).

Itinalaga rin ni Marbil si PBGen. Jaysen de Guzman bilang Acting Regional Director ng Police Regional Office 10 o Northern Mindanao kapalit ni PBGen. Ricardo Layug na nakatakda namang magretiro bukas, Setyembre 26.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble