PNP nagsagawa ng profiling sa dayuhang religious group sa Cebu

PNP nagsagawa ng profiling sa dayuhang religious group sa Cebu

MAHIGPIT na binabantayan ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang mga dayuhang namataan sa Minglanilla Cebu na miyembro umano ng isang religious group na “Abayonaym”.

Sa panayam kay PRO 3 Director at Concurrent Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, kumikilos na aniya ang PNP at iba pang ahensiya ng pamahalaan para tukuyin ang pagkakakilanlan ng mga dayuhang ito.

Matatandaang, naalaarma ang mga residente ng isang subdivision sa Minglanilla nang namataang nagmartsa ang nasa 60 dayuhan na suot-suot ang kulay itim na damit.

Sa ngayon, katuwang ng PNP ang Bureau of Immigration para sa mabilis na imbestigasyon sa mga banyagang ito.

Pinaiimbestigahan na rin ang mismong Mayor ng bayan na si Rajiv Enad sa presensiya ng mga dayuhang ito na posibleng miyembro ng militia o terrorist group.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble