PNP, nagsasagawa ng accounting ng most wanted persons para sa seguridad ng BSKE

PNP, nagsasagawa ng accounting ng most wanted persons para sa seguridad ng BSKE

NAGSAGAWA ng accounting ng most wanted persons para sa seguridad ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ang Philippine National Police (PNP).

Puspusan ang ginagawang paghahanda ng (PNP) sa nalalapit na Barangay at Sangguniang (BSKE).

Sinabi ni PNP chief Police General Benjamin Acorda Jr. na nagsasagawa na sila ng accounting ng most wanted persons at loose firearms.

Ayon kay Acorda, patuloy rin nilang binabantayan ang aktibidad ng 38 potential private armed groups (PAGs) at 4 active PAGs.

Nais aniya nilang matiyak na magiging maayos at ligtas ang pagdaraos ng halalan sa bansa.

Kabilang sa tinututukan ng pulisya ang Negros Oriental at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dahil sa ilang insidente ng karahasan.

Hinihintay naman ang mga lugar na ilalagay sa areas of concern kung saan inaasahan ang pagde-deploy ng karagdagang puwersa ng pulisya at militar.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble