ITINAAS na ang Philippine National Police (PNP) ang alerto nito sa buong bansa sa pagsisimula ng Simbang Gabi ngayong araw, Disyembre 16, 2024.
Layon nitong matiyak na magiging ligtas ang mga deboto sa nakaugaliang kultura nito ng pagsisimba sa panahon ng Kapaskuhan.
Inaasahan ang dagsa ng tao sa mga simbahan at maging iba pang places of convergence dahil sa papalapit na pagdiriwang ng Pasko.
Agad namang inatasan ng lahat ng foot at mobile patrols nito para sa pinaigting na police visibility laban sa kriminalidad sa ilalim ng Ligtas Paskuhan 2024.