PNP, nakahanda sa pagbisita ni US Vice President Kamala Harris

PNP, nakahanda sa pagbisita ni US Vice President Kamala Harris

NAKAHANDA ang Philippine National Police (PNP) sa pagdating sa bansa ni US Vice President Kamala Harris.

Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, bamaga’t may nakalatag na security plan ang Presidential Security Group (PSG) para kay Harris ay tutulong sila sa mga ito.

Si Harris ay darating sa bansa sa Nobyembre 20 matapos ang pagdalo sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Thailand.

Bibisitahin nito ang Palawan na malapit sa pinagtatalunang West Philippine Sea.

Inaabangan din ang pakikipagpulong ni Harris kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. lalo ang mga usapin na matatalakay ng dalawa.

Follow SMNI NEWS in Twitter