PNP, nakahanda sakaling umuwi sa bansa si Cong. Arnie Teves

PNP, nakahanda sakaling umuwi sa bansa si Cong. Arnie Teves

NAKAHANDA ang Philippine National Police (PNP) sakaling umuwi sa bansa ngayong araw si Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr.

Ito ang tiniyak ni PNP Public Information Office Chief Police Brigadier General Redrico Maranan para na rin sa kaligtasan ng kongresista.

Sa impormasyon ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla, babalik sa Pilipinas si Teves mula Timor-Leste kung saan hindi pinayagan ang kanyang hiling na asylum.

Pero itinanggi ni Teves ang nasabing impormasyon ng kalihim at sinabing “fake news” ito.

Si Teves ay isinasangkot sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at ilan pang insidente ng karahasan sa lalawigan.

Gayundin ang pagmamay-ari ng matataas na kalibre ng baril at mga pampasabog na nakuha sa kanyang lugar matapos ang isinagawang operasyon ng pulisya.

Follow SMNI NEWS in Twitter