PNP nakakuha ng mahigit ₱14M illegal drugs sa 2 linggong operasyon

PNP nakakuha ng mahigit ₱14M illegal drugs sa 2 linggong operasyon

NAKAKUHA ang Philippine National Police (PNP) ng mahigit P14.16M na halaga ng ilegal na droga sa buong bansa mula Mayo 4–17, 2025.

Sa isinagawang 664 na mga operasyon, nagresulta rin ito sa pagkakaaresto ng 588 katao na sangkot sa ilegal na kalakalan ng droga.

Nagsilbi rin itong daan sa pagkakakumpiska ng 2.08 kilo ng shabu at 23 gramo ng marijuana.

Sa pahayag ng PNP, pinaghahandaan na rin nila ang bagong estratehiya para mapabuti ang kanilang drug operations kung saan layunin nilang paigtingin ang bisa ng pangangalap ng impormasyon at pakikipag-ugnayan sa mga komunidad.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble