NAKAPAGTALA ang Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ng pitong cyber election-related incidents.
Ang mga insidente ay naitala sa ilang lugar tulad ng Ilocos Region, Western Visayas, Davao Region, at Caraga Region.
Mula sa naturang bilang, apat dito ay nadiskubre kasunod ng reklamo ng mga politiko kung saan mayroong mga mapanirang content na pino-post online laban sa kanila.
Nagiging sanhi anila ito ng pagkasira ng kanilang reputasyon, lalo na at malapit na ang eleksyon.