Maynila, Pilipinas – Wala pa ring inilalabas na pahayag ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa rekomendasyon ng Senate Committee on Foreign Relations na sampahan ng kaso sa Ombudsman ang ilang opisyal ng pamahalaan dahil sa umano’y ilegal na pag-aresto at pagpapa-deport kay dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 11, 2025.
Batay sa paunang ulat ng komite na pinamumunuan ni Senator Imee Marcos, tinawag nitong “politically motivated” ang pagkaka-aresto sa dating Pangulo, na isinagawa batay umano sa isang walang bisa na warrant mula sa International Criminal Court (ICC).
Mga pinakakasuhan sa rekomendasyon ng Senado:
DOJ Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla:
RA 3019 (Anti-Graft)
Usurpation of Judicial Functions
Grave Misconduct
Conduct Prejudicial to the Best Interest of Public Service
DILG Secretary Jonvic Remulla:
Arbitrary Detention
RA 3019 violation for inducing illegal acts
Grave Misconduct at Conduct Prejudicial
PNP Chief Gen. Rommel Marbil:
Arbitrary Detention
RA 3019 violation
Grave Misconduct
PNP-CIDG Chief Gen. Nicolas Torre III:
Arbitrary Detention
RA 7438 violation (rights of arrested persons)
Grave Misconduct
Amb. Markus Lacanilao (Special Envoy for Transnational Crimes):
Usurpation of Official Functions (Art. 177 RPC)
False Testimony at Perjury (Art. 183 RPC) Conduct Prejudicial to the Best Interest of Service
Tinukoy rin sa ulat ang dalawang bilang ng arbitrary detention na isinampa laban sa mga opisyal dahil sa umano’y pagbabawal kay VP Sara Duterte na bisitahin ang ama, at sa umano’y sapilitang pag-alis ng mga abogado mula sa piitan habang nakakulong si Duterte.
Sa ngayon, hindi pa nagbibigay ng opisyal na tugon ang kampo nina Gen. Marbil, Gen. Torre, at iba pang sangkot na opisyal. Samantala, umaasa ang komite na agad na aaksyunan ng Ombudsman ang mga nasabing rekomendasyon.