PNP, nangakong magiging maingat sa imbestigasyon sa 2 pang police officers na umanoy sangkot sa recycling ng shabu

PNP, nangakong magiging maingat sa imbestigasyon sa 2 pang police officers na umanoy sangkot sa recycling ng shabu

NILINAW ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na magiging maingat sila sa ginagawang imbestigasyon sa ilang police officers ang sangkot sa isyu ng recycling ng iligal na droga.

Ayon sa impormasyon, dalawa pang opisyal ng PNP Drug Enforcement Group ang iniimbestigahan ngayon dahil sa pagpupuslit ng 42 kilos ng shabu sa Maynila.

Galing ang mga iligal na droga sa 990 kilo na shabu na bunga ng buy-bust operations sa Maynila kung saan nahuli si Master Sergeant Rodolfo Mayor Jr. na miyembro din ng PNP Drug Enforcement Group.

Sa ngayon, tiniyak ni PNP chief police General Rodolfo Azurin Jr. na magiging maingat sila sa imbestigasyon upang hindi madungisan ang kredibilidad ng sinumang opisyal sakaling hindi totoo ang alegasyon laban dito.

 

Follow SMNI News on Twitter