NEGATIBO pa rin ang Philippine National Police (PNP) sa anumang banta sa seguridad sa paghahanda ng bansa sa Undas.
Ito ang tinuran ni PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo kasunod ng pagdaragdag ng mahigit 2 libong pulis sa iba’t ibang panig ng bansa.
Mula sa 18,802 police personnel, umakyat na ito sa 21K para lang matiyak na walang magiging aberya o maitatalang kaguluhan sa papalapit na paggunita ng Undas.
Opisyal na ring idineklara ng PNP ang heightened alert status sa buong bansa kontra sa mga masasamang loob na nais guluhin ang nasabing okasyon.