PNP nilinaw na hindi loyalty check ang muling pagbisita ni PBBM sa Kampo Crame

PNP nilinaw na hindi loyalty check ang muling pagbisita ni PBBM sa Kampo Crame

AGAD na nagpaliwanag ang Philippine National Police (PNP) na hindi loyalty check ang muling pagbisita ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa Kampo Crame.

Nabatid na muling nagtungo ang Pangulo sa headquarters ng PNP sa Quezon City pero wala naman anilang pangangailangan para magsagawa ng ‘loyalty check’ sa kanilang hanay.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, PBGen. Jean Fajardo, nagtungo lamang ang Pangulo para dumalo sa ginanap na National Peace and Order Council Meeting at Command Conference ng PNP nitong Huwebes, Disyembre 12, 2024.

Dagdag pa ni Fajardo, hindi walang nagbago sa kanilang katapatan sa Saligang Batas at sa Pangulo.

Matagal na aniyang naka-iskedyul ang mga naturang aktibidad at wala itong kinalaman sa anumang ingay-politika na nangyayari ngayon sa bansa.

Layon lamang nito na iulat ng PNP sa Pangulo ang mga naging tagumpay sa kanilang mga ikinasang operasyon sa mga nakalipas na buwan gayundin ang mga nakahanay pang plano nito sa susunod na mga panahon.

Naniniwala ang PNP na magandang pagkakataon ito para malaman ng pulisya ang mga plano ni Marcos Jr. laban sa mga kasalukuyang kinakaharap na problema ng ilegal na droga at kriminalidad.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble