PNP, nilinaw na walang profiling sa mga nagpo-protesta

PNP, nilinaw na walang profiling sa mga nagpo-protesta

WALANG ibinibigay na kautusan ang Philippine National Police (PNP) para magsagawa ng profiling sa sinumang personalidad na dumalo sa rally sa tanggapan ng Commission on Election (COMELEC).

Sa isang pahayag, sinabi ng PNP na nagdeploy ng mga pulis sa lugar para tiyakin ang seguridad sa kasagsagan ng aktibidad ng mga nagpoprotesta at maiwasan ang anumang karahasan at untoward incident.

Ayon sa PNP, karaniwang gumagawa ng situation report ang kanilang mga tauhan kung saan kasama ang estimated number ng lumahok at overall assessment ng aktibidad.

Ang report aniyang ito ay ginagamit bilang basehan sa pagpaplano para sa deployment sa kaparehong aktibidad.

Isang araw matapos ang May 9 national and local elections, nagtipon-tipon ang mga grupo mula sa kabataan at labor sectors sa harap ng COMELEC main office sa Intramuros, Manila para i-protesta ang resulta.

Follow SMNI NEWS in Twitter