PAIIGTINGIN ng Philippine National Police (PNP) ang police visibility sa mga pampublikong lugar ngayong holiday season.
Ayon kay PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. inatasan niya ang Directorate for Operations na muling suriin at ayusin ang lahat ng operational plans at implementing guidelines para sa law enforcement at public safety operations.
Ito ay sa ilalim ng Major Events Security framework at paparating na mga aktibidad kabilang na ang inaabangang Simbang Gabi.
Sinabi ni Azurin na layunin nito na mapigilan ang mga kriminal na posibleng magsamantala ng pagiging abala ng publiko.
Kasabay nito, asahan aniya na sa mga susunod na linggo ay magkakaroon ng ilang pagsasaayos sa deployment kabilang ang extended nightshift duties, mas maraming foot at mobile patrols at preventive crackdown laban sa mga kriminal.