PNP official na namuno sa pag-iimbestiga sa bilyong pisong halaga ng shabu sa Maynila, nagretiro na

PNP official na namuno sa pag-iimbestiga sa bilyong pisong halaga ng shabu sa Maynila, nagretiro na

PORMAL nang nagretiro sa serbisyo si PNP Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) Director Police Major General Eliseo Cruz.

Pinagkalooban ng retirement honors si Cruz sa PNP National Headquarters sa Camp Crame.

Pinuri ni PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. ang “exceptional work ethic, competence at unwavering dedication” ni Cruz sa kaniyang 37 taong serbisyo.

Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Cruz na isang karangalan na mapaglingkuran niya ang taumbayan at maprotektahan ang bansa.

Kabilang sa accomplishment ni Cruz ay ang pinahusay na National Police Clearance System, kung saan 779 police stations at malls sa buong bansa ang kayang magproseso ng police clearance.

Gayundin ang pamumuno nito sa Special Investigation Task Group 990 na nag-imbestiga sa mga sangkot sa bilyong pisong halaga ng shabu na nakumpiska sa Maynila noong nakaraang taon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter