PNP, pabor na gawing criminal offense ang nagpapakalat ng fake news; DOJ, hindi isasama sa parusahan ang nag-share o nag-like

PNP, pabor na gawing criminal offense ang nagpapakalat ng fake news; DOJ, hindi isasama sa parusahan ang nag-share o nag-like

PABOR ang Philippine National Police (PNP) na gawing criminal offense ang nagpapakalat ng fake news.

Sinabi ng PNP na dapat mas maging malinaw ang ipinapanukalang batas upang maiwasang masabi na naaabuso ito.

Ayon kay PNP Criminal Investigation and Detection Group Deputy Chief Brig. Gen. Sydney Villaflor, ang fake news na nakakasama sa seguridad, ekonomiya, politika at lipunan ang ikokonsiderang criminal offense.

Ang mga fake news na hindi naman nakakasira ay hindi dapat isali sa Senate Bill No. 1296 na naglalayong amyendahan ang Cybercrime Prevention Act of 2012.

Tiniyak din ni Sen. Francis Tolentino na hindi katumbas ng censorship o pagkakaroon ng regulasyon sa pamamahayag ang ibig sabihin ng panukala.

Aniya, isinusulong dito ang pagkakaroon ng matinding fact-checking para malaman ang totoo o hindi.

Para naman kay Sen. Joel Villanueva, mananatili ang freedom of expression, ang freedom of speech ngunit meron din itong kaakibat na responsibilidad.

Sa panig ng Department of Justice, dapat ang gumagawa lang ng fake news ang paparusahan subalit hindi ang mga nag-share o nag-like ng online posts basta’t wala itong malisyosong komento.

Follow SMNI NEWS in Twitter