PNP personnel na makikitang may tattoo, ipatatanggal sa katawan

PNP personnel na makikitang may tattoo, ipatatanggal sa katawan

MAHIGPIT ang kautusan ng liderato ng Philippine National Police (PNP) na alisin ang lahat ng “visible tattoos” o mga nakikitang tattoo sa katawan habang suot-suot ang uniporme ng PNP.

Ani PNP PIO Chief Police Colonel Jean Fajardo, mahigpit ang habilin sa kanila na dapat maging huwaran at kagalang-galang ang kanilang hanay para makuha ang respeto ng publiko.

Alinsunod sa Memorandum Circular 2024-023 na inaprubahan noong Marso ngayong taon, mahigpit na ipinagbabawal ang mga sumusunod:

Kabilang sa mga tattoo na dapat burahin ay ang mga sumusunod:

(Memorandum Circular 2024-023)

* extremist tattoos

* ethnically or religiously discriminatory and offensive tattoos

* indecent tattoos

* racist tattoos

* sexist tattoos

* tattoos associated to “prohibited or unauthorized”

Para naman sa mga pulis na may hindi visible na tattoo, sinabi ni Fajardo na obligado ang mga ito na mag-execute ng affidavit at hindi na sila papayagan pang magdagdag ng tattoo sa anumang parte ng kanilang katawan kahit nakatago pa ito sa uniporme.

Paglilinaw ng PNP, matagal na nila itong ipinatutupad bilang bahagi ng disiplina at tamang hitsura ng mga pulis kaya’t nagbabala ang pamunuan nito na mahaharap sa kasong administratibo ang mga mapatutunayang lalabag.

Samantala, nilinaw rin ng PNP na hindi lamang limitado sa mga commissioned personnel ang nasabing kautusan, sakop din nito maging ang non-uniformed personnel.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble