PNP, pinaalalahanan ang mga commander sa pagtitipid ng tubig para maibsan ang epekto ng El Niño

PNP, pinaalalahanan ang mga commander sa pagtitipid ng tubig para maibsan ang epekto ng El Niño

PERSONAL na pinaalalahanan ni Philippine National Police Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang mga kampo at himpilan ng pulisya sa buong bansa na ipatupad ang mga umiiral na panuntunan kaugnay ng pagtitipid sa tubig.

Ito’y bilang ambag na rin ng PNP sa mga ginagawang hakbang ng pamahalaan na maibsan kung hindi man mapigil ang epektong dulot ng El Niño sa bansa.

Sa pulong balitaan sa Kampo Krame ngayong umaga, sinabi ni Acorda na hindi na bago para sa kanila ang pagtitipid sa tubig lalo’t matagal na itong ipinatutupad sa mga kampo ng pulisya.

Sa katunayan, nakahanda sila na tumulong sa mga water utility para labanan ang water pilferage o ang jumper sa tubig.

Gayundin, sinabi ni Acorda na bukod sa El Niño, handa rin silang tumulong sa ilang mga hakbangin upang hindi na magdusa pa ang bansa sa epekto ng climate change gaya ng pagtugis sa mga illegal mining at logging na siyang nakasisira sa kalikasan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble