PNP, pinabulaanan ang ulat na tumatanggap na ang ahensya ng K-to-12 graduates

PNP, pinabulaanan ang ulat na tumatanggap na ang ahensya ng K-to-12 graduates

PINABULAANAN ng Philippine National Police (PNP) ang mga kumakalat na ulat na tumatanggap at pinapapasok na umano nila ang K-to-12 graduates sa kanilang hanay.

Binigyang linaw ng ahensya na nananatiling pagkakaroon ng bachelor’s degree, pagpasa sa National Police Commission (NAPOLCOM) exam gayundin sa anumang Board Exams o Professional Civil Service Exam ang ilan sa requirements upang makapasok sa PNP.

Sa ngayon, pinapayuhan ng PNP na maging maingat at wag agad maniwala sa lahat ng nakikita online.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble