PNP, PMA, puspusan ang pagsasanay para sa retirement honors kay Outgoing PNP Chief Acorda

PNP, PMA, puspusan ang pagsasanay para sa retirement honors kay Outgoing PNP Chief Acorda

PUSPUSAN na ang pagsasanay ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Military Academy (PMA) para sa napipintong retirement honors kay Outgoing PNP Chief, P/Gen. Benjamin Acorda Jr. at turnover ceremony sa bagong PNP Chief bukas, Marso 27.

Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang naturang seremonya sa transformation oval ng Kampo Krame sa ganap na alas-9 ng umaga.

Bagamat wala pang pormal na anunsiyo ang Palasyo kung sino ang papalit kay Acorda, nauna nang sinabi ng PNP na lahat ng mga one-star rank generals pataas ay kwalipikado na maging hepe ng Pambansang Pulisya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble