SUSUNDIN ng Philippine National Police (PNP) ang nakalatag na nilang major event security framework sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ito ang tiniyak ni PNP director for operations Police Major General Valeriano De Leon sa panayam ng SMNI News.
Subalit sinabi ni De Leon na sa kabila ng pagkakaroon nila ng security framework, makikipag-ugnayan pa rin sila sa operations group ni PBBM sakaling may kaunting pagbabago na ninanais ang bagong Pangulo.
Nakatakda naman ngayong buwan ng Hulyo ang unang SONA ni PBBM.