PNP, target magbigay ng seminar sa mga manufacturer at dealer ng paputok

PNP, target magbigay ng seminar sa mga manufacturer at dealer ng paputok

TARGET magsagawa ng seminar ng Philippine National Police (PNP) sa mga manufacturer at dealer ng paputok sa bansa.

Ito ay matapos ang pagsabog ng paputok sa Sta. Maria, Bulacan noong nakaraang linggo, kung saan hindi bababa sa 10 ang nasugatan.

Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, pangungunahan ng PNP Firearms and Explosives Office (FEO) ang pagbibigay ng refresher at orientation course sa mga manufacturer at dealer ng paputok ngayong Nobyembre.

Partikular aniya na binigyang-diin ng pulisya ang pagsunod ng mga negosyante sa RA 7183 o Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution and Use of Firecrackers and Other Pyrotechnic Devices.

Inaasahan na maglalabas ng bagong panuntunan ang FEO kaugnay sa paggawa at pagbebenta ng paputok sa bansa upang maiwasan ang nangyari sa Bulacan.

Follow SMNI NEWS in Twitter