NAKAHANDANG magbigay ng libreng sakay ang Philippine National Police (PNP) sa maaapektuhang riding public sa nakatakdang transport strike sa mismong araw ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Sa panayam ng media araw ng Martes Hulyo 18, 2023 kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, gagamitin ng PNP ang kanilang personal carrier vehicles para umalalay sa mga apektadong pasahero.
Bukod sa nasabing strike, nauna nang pinaghahandaan ng Pambansang Pulisya ang seguridad ng publiko dahil sa inaasahang kaliwa’t kanang kilos-protesta sa araw ng SONA.
Ayon sa pinakahuling impormasyon ng PNP, hanggang ngayon, negatibo pa rin ang kanilang hanay sa posibleng banta sa seguridad sa nasabing aktibidad ng Pangulo.