TIKOM ang bibig ng Philippine National Police (PNP) sa naunang pahayag nito na hindi sila makikipagtulungan sa anumang hakbang at utos ng International Criminal Court (ICC).
Ito ay kasunod na rin ng naunang desisyon at kautusan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na hindi ito makikipagtulungan sa ICC kaugnay sa isyung ikinakabit na EJK laban kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Matatandaang, mismong si CIDG Director Nicolas Torre ang nanguna para basahan ng Miranda Rights si dating Pangulong Duterte habang nasa kustodiya ito sa Villamor Air Base sa Pasay City.
Namataan din si PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil sa Ninoy Aquino International Airport, bagamat wala pang kumpirmasyon kaugnay sa naging partisipasyon nito sa diumano’y pag-aresto sa dating presidente.
Follow SMNI News on Rumble