PNP, tiniyak ang benepisyo ng nasawing hepe ng pulisya sa San Miguel, Bulacan

PNP, tiniyak ang benepisyo ng nasawing hepe ng pulisya sa San Miguel, Bulacan

MATATANGGAP ng pamilya ni San Miguel, Bulacan Chief of Police Lieutenant Colonel Marlon Serna ang lahat ng kaniyang benepisyo.

Ito ang tiniyak ni PRO3 Regional Director Police Brigadier General Jose Hidalgo Jr. matapos masawi si Serna habang ginagampanan ang kaniyang tungkulin.

Si Serna ay rumesponde sa insidente ng pagnanakaw sa Brgy. San Juan, San Miguel, Bulacan.

Pinangunahan ni Serna ang follow-up operation sa Brgy. Buhol na Mangga, San Ildefonso, Bulacan, kung saan nakipagpalitan ng putok ang dalawang suspek at tinamaan siya sa ulo.

Samantala, inatasan ni Brigadier General Hidalgo si Bulacan Police Provincial Director Police Colonel Relly Arnedo na maglunsad ng manhunt operation sa mga nasa likod ng pagkamatay ni Serna.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter