PNP, tiniyak na hindi maapektuhan ang promosyon ng mga pulis na hindi bakunado

PINAWI ng Philippine National Police (PNP) ang pangamba ng ilan na posibleng maapektuhan ang promosyon ng mga pulis na hindi magpapabakuna.

Pinabulaanan ni PNP Chief Police General Dionardo Carlos ang pangamba ng maraming pulis na posibleng maapektuhan ang performance ng mga ito dahil sa isyu ng pagpapabakuna.

Ayon sa tala ng PNP nasa 1,808 pa na mga kawani ng PNP ang hanggang ngayon ay hindi pa bakunado.

Dahil dito lumabas ang pangamba ng ilan na posibleng hindi sila ma-promote kung hindi magpapabakuna.

Ayon sa PNP, wala silang ganitong regulasyon.

Paliwanag pa ng PNP, iba ang usapin ng bakuna sa promosyon ng isang pulis.

Maaaring umangat sa posisyon ang isang pulis batay sa trabaho nito at kung masangkot naman sa katiwalian at iregularidad saka naman ito papatawan ng parusa o di kaya ay tatanggalin sa pwesto.

Samantala, kasunod ng usaping sa No Vacine No Work policy sa mga kapulisan, posibleng maghigpit naman ang PNP sa pagpapapasok ng mga sibilyan kung hindi ito fully vaccinated.

BASAHIN: Mga di bakunadong pulis, apektado sa No Vaccine, No Work policy

Naniniwala ang PNP na dapat mag-ingat ang mga kawani nito lalo na’t sila ang humaharap sa publiko.

Pero pag aaralan pa ang magiging polisiya dito.

Sa kabilang banda, bagama’t may dahilan ang mga iilan pero hindi anila ito sapat na rason para hindi magpabakuna gayong libre naman ito.

Sa katunayan, iginiit ni General Carlos na dapat magsilbing ehemplo ang mga pulis sa pagpapatupad ng batas.

SMNI NEWS