PNP walang alam sa biglaang pakikipagtulungan ng Pilipinas sa ICC

PNP walang alam sa biglaang pakikipagtulungan ng Pilipinas sa ICC

IGINIIT ng Philippine National Police (PNP) na wala silang alam sa dahilan ng biglaang pakikipagtulungan ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC) sa pamamagitan ng Interpol.

Sa isang panayam sa Kampo Crame, sinabi ni PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo na hindi nila batid ang tunay na dahilan kung bakit nakipag-ugnayan ang Pilipinas sa mga hakbang ng ICC at Interpol.

Matatandaang nanindigan noon ang PNP sa pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi nito kikilalanin ang utos ng ICC sa Pilipinas.

Gayunman, giit ni Fajardo, sumunod lamang sila sa kahilingan ng Interpol. Bukod dito, si PNP Chief Gen. Rommel Marbil rin umano ang nag-utos ng operasyon na pinangunahan ni PNP-CIDG Director PMGen. Nicolas Torre.

Samantala, iginiit naman ng Malacañang na naaayon sa batas ang pagsuko kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kabila ng naunang pahayag nito na hindi makikipagtulungan sa ICC.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble