NAKAHANDA na ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang seguridad sa Semana Santa sa susunod na linggo.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, wala silang namo-monitor na anumang banta sa seguridad sa nasabing okasyon.
Nabatid na mahigit 77,000 pulis ang ide-deploy ng PNP upang matiyak ang kaligtasan ng publiko lalo na ang mga uuwi sa probinsiya.
Kabilang sa kanilang babantayan ay ang mga pangunahing kalsada, transportation hubs, mga pasyalan at mga simbahan, kung saan maglalagay din sila ng Police Assistance Desk.