IMINUMUNGKAHI ng Philippine National Railways (PNR) na magkaroon din ng cargo train system sa North-South Commuter Railway (NSCR).
Ayon kay PNR Chairman Michael Ted Macapagal, nakatutulong ito para mapalakas ang ekonomiya ng bansa.
Sa paliwanag niya, isang halimbawa sa magiging benepisyo ng cargo train system ang mas maginhawang pagbiyahe ng mga produkto ng mga magsasaka at mangingisda.
Ang NSCR ay isang railway system na magmumula sa Clark, Pampanga at dadaan sa Metro Manila papuntang Calamba, Laguna.