IKINALULUNGKOT ng Philippine Olympics Committee (POC) at National Golf Association (NGAP) hinggil sa balitang walang uniporme ang dalawang Filipino golfers na pambato ng Pilipinas para sa Paris Olympics.
Kinilala ang mga golfers na sina Dottie Ardina at Bianca Pagdanganan.
Sinabi ng POC na nagpadala na sila ng paunang design ng uniporme pero hindi ito pumasa at ang revised design ay ipinadala bago ang opening ceremony.
Binilhan din ng ahensiya ang dalawang Pinay golfers ng uniporme na binili sa Paris pero pinili ng dalawa na suotin ang dala nilang damit.