POC, planong agahan ang pagpapadala kay Hidylin Diaz, Carlos Yulo at iba pa sa Paris para sa Olympics

POC, planong agahan ang pagpapadala kay Hidylin Diaz, Carlos Yulo at iba pa sa Paris para sa Olympics

PLANO ng Philippine Olympic Committee (POC) na agahan ang pagpapadala kay Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz, World Champion Carlos Yulo at iba pa sa Paris, France para sa 2024 Summer Games.

Sinabi ni POC President Abraham “Bambol” Tolentino na maaga rin ang pagdating ng boxing team ng bansa sa pitch camp sa Paris.

Ayon kay Tolentino, kung maipapadala ang mga atleta nang mas maaga sa Paris ay magagawa ng mga itong makapag-adjust sa oras ng kompetisyon nila sa Olympics.

Magkakaroon ang POC chief ng pagkakataon upang bisitahin ang Olympic facilities sa susunod na buwan sa isang ocular inspection para sa Team Philippines na itinakda ng International Olympic Committee.

Ani Tolentino, maigi nang makakuha ng tatlong gyms para sa gymnastics, weightlifting, at boxing pagdating nila doon dahil aniya ay kakaunti na lamang ang gyms na pwedeng gamitin dahil sa narentahan na ito ng ibang bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter