POEA, nagbabala sa publiko laban sa ‘text scam’ na nag-aalok ng trabaho

POEA, nagbabala sa publiko laban sa ‘text scam’ na nag-aalok ng trabaho

NAGBABALA ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa publiko laban sa ‘text scam’ na nag-aalok ng pekeng trabaho.

Inihayag ni POEA administrator Atty. Bernard Olalia, marami ngayong mga online scam na nagpapanggap na konektado sa ahensiya.

Ani Olalia, maging siya ay nakatanggap ng mensahe mula sa scammer na nagsasabi na meron siyang job offer sa POEA.

Aniya, imposible ito dahil siya ang administrator ng POEA.

Dagdag pa ni Olalia, huwag maniwala sa mga natatanggap na text at hindi dapat i-click ang mga link.

Follow SMNI NEWS in Twitter