POGO operations, nagpapanggap na ngayon bilang restaurant, resort—DILG

POGO operations, nagpapanggap na ngayon bilang restaurant, resort—DILG

NAGPAPATULOY pa rin ang operasyon ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) kahit pa ipinag-utos na ng Palasyo ang nationwide ban nito.

Para makapagpatuloy, sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nagpapanggap ang mga ito bilang resort at restaurant para maipagpatuloy ang kanilang mga operasyon.

Halimbawa dito ang isang gusali sa Lapu-Lapu, Cebu kung saan lumipat ang galing sa mga ipinasarang POGO Hub sa Porac, Pampanga.

Hinihikayat na ng DILG ang mga lokal na pamahalaan na i-monitor ang kanilang mga nasasakupan kaugnay rito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble