INIHAYAG ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa programang Gives Us This Day, araw ng Miyerkules na naabot na natin ang ‘point of no return’ pagdating sa usaping pagbabago ng klima.
Ito ay kasunod ng malawakang pagbaha na naganap sa Libya na naging sanhi ng pagkasawi ng libu-libong katao.
Kamakailan din ay nagkaroon ng magnitude 7 na lindol sa Morocco kung saan humigit-kumulang tatlong libo naman ang nasawi.
Dahil dito, nanawagan na rin ang butihing Pastor na magkaisa ang lahat ng bansa na bawasan ang carbon dioxide emission at fossil fuel consumption na sanhi ng global warming
“Ang ibig sabihin nito, we have crossed the point of no return when it comes to climate change. Ngayon kung magkakasundo lahat ng bansa to reduce the carbon dioxide emission—kasi sirang sira na ang ozone layer noon pa, sinasabi ko di ba? 2005 pa,” ayon kay Pastor Apollo C. Quiboloy, The Kingdom of Jesus Christ.
Ayon sa butihing Pastor, ang kalikasan ay dapat inaalagaan dahil ito ay bigay ng Panginoon.
Posibleng bumalik din aniya sa tao ang ganti ng kalikasan kung magpapatuloy ito sa kasakiman at pagpapabaya rito.
“Kapag sinisira namin ang planetang Earth na binigay sa atin, sinong masisira? Di ba tayo rin dahil sa kasakiman at kamundohan ng tao. Puro greediness, puro selfishness, puro pang sarili kung anong mahahakot nila para sa sarili, gagawin nila without caring for the environment,” ayon pa sa butihing Pastor.
“You know, trees are already here without us and they will remain here without us. If we cut them off and then we destroy the nature, God has given to us, in wanton greediness and selfishness, it will all come back to us,” diin ni Pastor Apollo.
“Tulad nito, itong mga disyertong ito, hindi nagkakabaha noon ‘yan, ngayon doon na pumupunta. Climate change ‘yan e. ‘Wag kayo magtaka isang araw ang Pilipinas magkaroon ng snow, because climate change e. Sa Amerika ngayon, they are suffering, 120, 130 degrees heat, napakainit. Ano lang pinakamagandang lugar ngayon? Glory Mountain,” wika pa ng butihing Pastor.
Matatandaan na isa si Pastor Apollo na kilalang environmentalist sa Pilipinas dahil itinatag nito ang Sonshine Philippines Movement na tumutulong sa pagpapanatili ng kaayusan ng kapaligiran at nagsusulong para sa pag-aalaga sa kalikasan.
Isa nga sa pangunahing showcase ng adhikain ni Pastor Apollo ay ang Glory Mountain kung saan aabot na libu-libong pine trees ang nakatanim doon.
Malaki ang naging tulong ng patuloy na pagtatanim ng pine trees sa Pilipinas lalo na sa Davao City sa pangunguna ni Pastor Apollo dahil ang dating bahain na lugar sa timog ng Mt. Apo ay isa na ngayong santuwaryo ng prineserbang kalikasan.
“Tayo nagpasimula ng Sonshine Philippines Movement in our own little way to help mitigate climate change. Salamat naman sa Glory Mountain, we made our own climate change. Napakaganda ng weather doon. Pinagpala ng Ama.”
“Ngayon, kung magpapasimula lang tayo, the effect will be in 10-15 years kung lahat magtatanim ng mga punong kahoy para bumalik muli ang ozone tapos ang carbon dioxide emission mawala, babalik ‘yung dating sigla ng ating planet earth,” ani Pastor Apollo.