PAGKAKALOOBAN ng Philippine National Police (PNP) ng isang pagkilala at parangal si PCol. Pergentino Malabed sa pag-uwi nito sa bansa.
Kasunod ito nang masawi si Malabed sa isang banggaan ng isang American passenger plane at military helicopter sa Amerika nitong nakaraang linggo.
Ayon kay Police Regional Office 3 Director at Concurrent PNP Spokesperson, PBGen. Jean Fajardo, nakarating na sa Amerika ang misis ng pulis para personal na kilalanin ang mga labi nito.
Matatandaang, nasa Amerika si Malabed para sa isang opisyal na misyon bilang pinuno ng PNP Supply Management Division nang masangkot sa tinaguriang deadliest air collision sa Amerika sa loob ng 20 taon.