Police official, nahuli dahil sa umano’y extortion

Police official, nahuli dahil sa umano’y extortion

ARESTADO ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang Deputy Chief of Police ng Balayan Municipal Police Station sa Batangas dahil sa umano’y pangingikil sa isang residenteng inakusahan niyang nag-operate ng illegal numbers game na “loteng”.

Kinilala ito ni PNP IMEG acting Director Police Brigadier General Warren de Leon na si Police Captain Ruben Marilag na nahuli sa tapat ng isang bangko.

Ayon kay De Leon, nag-ugat ang operasyon sa isang reklamong inihain laban sa pulis dahil sa pagpilit at pananakot sa biktima na magbayad ng lingguhang payola para sa operasyon ng “loteng”.

Itinigil na aniya ang nasabing “loteng” operation simula noong Marso 2021 nang ma-diagnose ang biktima na may stage three colon cancer pero pinipilit pa rin umano ito na magbigay ng 2,000 pisong lingguhang payola.

Nakuha naman sa pulis ang marked money, service firearm at PNP ID.

Nasa kustodiya na ngayon ng IMEG sa Crame Crame ang pulis para sa imbestigasyon at tamang disposisyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter