PERSONAL na iniatas ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil sa mga tauhan nito na paigtingin ang police visibility gayundin ang kanilang security operations ngayong holiday season.
Pinatututukan nito ang tinaguriang ‘high=traffic’ areas gaya ng mga simbahan, mall, palengke, transport hub mga pasyalan, at iba pa.
Magtatalaga rin sila ng Quick Response Teams (QRT) upang agad na matugunan ng anumang maiuulat na insidente.
Binigyang-diin ng PNP Chief na mahalagang matiyak ang seguridad at kaligtasan ng publiko sa panahong ito lalo’t posible aniyang samantalahin ng mga kriminal ang okasyon para maghasik ng gulo.