Polio vaccination sa Gaza, kanselado dahil sa mga pambobomba ng Israel

Polio vaccination sa Gaza, kanselado dahil sa mga pambobomba ng Israel

KANSELADO ang polio vaccination campaign sa North Gaza dahil sa mga pambobomba ng Israel at iba pang rason ayon sa World Health Organization (WHO).

Target sana ng kampanya ang mabakunahan ang nasa 119K na mga kabataan.

Kung patuloy ito na masuspinde ayon sa WHO ay posibleng dadami pa ang mga kabataan na magkakasakit ng polio sa Gaza at karatig bansa.

Ang polio campaign ng WHO ay nagsimula noong Setyembre 1 matapos kinumpirma nila noong Agosto na may bata sa naturang Palestinian territory na partially paralyzed dahil sa Type 2 Poliovirus.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble