SINUSPINDE ng Pakistan ang kanilang polio vaccination campaign sa South Balochistan Province.
Ito’y dahil ayon sa ilang health at government officials, nag-boycott ang mga health worker dito kasunod ng panukalang isasapribado na ang mga ospital sa kanilang bansa.
Nauna nang nag-anunsiyo sa postponement ng bakunahan ang National Emergency Operation Center for Polio Eradication at sinabi lang nila na may gagawin silang malalimang paghahanda hinggil dito at hindi na sinabi ang totoong dahilan.
Ang postponement ay magtatagal hanggang Disyembre 30, 2024.
Isa ang bansang Pakistan sa may mataas na polio cases maliban sa Afghanistan.