SINIMULAN na ng Pakistan ang kanilang vaccination campaign kontra polio nitong Lunes, Oktubre 28, 2024.
Nasa 45 milyong kabataan ang nais nilang maprotektahan mula sa polio matapos nagkaroon kamakailan ng pagtaas ng kaso nito sa kanilang bansa.
Kaugnay rito ay hinihikayat na rin ng National Emergency Operations Center for Polio Eradication ang lahat na mga magulang sa Pakistan na makipag-cooperate sa naturang bakunahan.
Ang vaccination campaign ngayong taon ay magpapatuloy hanggang sa Linggo, Nobyembre 3.
Maliban sa Pakistan ay laganap din sa Afghanistan ang sakit na polio.
Follow SMNI News on Rumble